Fresh Updates

Babala at Paalala

Ang buwan ng Marso ay kilala bilang Buwan ng Pag-iwas sa Sunog o Fire Prevention Month sa Pilipinas. Ito ang panahon at kaganapan kung saan pinapaalala sa mga mamamayan na bagaman ang sunog ay isa sa unang teknolohikal na natuklasan ng tao ito rin ang sanhi ng maraming pagka-kitil ng buhay, pagkasira ng mga ari-arian at pagkawasak ng maraming pangarap.

Bureau of Fire Protection (BFP) ay naghanda ng mga paalala na pangsagip-buhay para sa mga mamamayan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Kandila at Lampara
Ang mga lampara at kandilang may sindi ay kinakailagang malayo sa mga kurtina. Huwag rin itong hayaang nakasindi malapit sa bintana, electric fan, o kung saan malapit ang mga bata at mga alagang hayop dahil madali nila itong mapabagsak o mapatumba. Patayin ang apoy o ningas bago matulog.

2. Vehicular fires
Iwasang manigarilyo habang nagpapa-gasolina ng sasakyan o habang iniinspeksiyon ang tanke ng gasolina, radiator o ang baterya. Malagay din ng portable fire extinguisher sa loob ng sasakyan nangsagayon ay maagapan ang anumang subog o pagliyab ang mangyari. Dapat Suriing madalas ang wiring insulation ng sasakyan upang maiwasan ang pagkakaroon ng short circuit.

3. Posporo at Sigarilyo
Ilayo sa mga bata ang mga posporo at lighter at huwag payagang laruin nila ang anuman sa dalawa. Huwag mag-iwan kung saan-saan ng sigarilyong may sindi sapagkat ito ay maaring mahulog sa mga gamit na madaling umapoy.

4. Kapag nasilaban ang damit
Huwag tumakbo. Ang apoy ay mas lalong lalaki dahil sa pagtakbo. Dapat Gawin ang STOP, DROP and ROLL. Ang apoy sa damit ng biktima ay maaring maapula sa pamamagitan ng paggamit ang telang gawa sa lana (wool).

Kapag may sunog, manatiling kalmado at iwasang magitla, sa halip ay umaksyon at gumawa ng nararapat na kilos kapag may sunog.

© 2019 ARC Refreshments Corporation. All Rights Reserved. Terms and Conditions.