Fresh Updates

Blood Letting Activity “The Second chance” Share Love: Donate blood

Hindi maikakaila na ang taong nakapagbigay ng dugo ay may mas malusog na puso. Sa pamamagitan kasi ng regular na pagbibigay ng dugo, nababawasan ang lapot at dami nito na maaaring makaapekto sa tibay ng mga ugat sa paglaon ng panahon. Dahil dito, mas bumababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga seryoso, mapanganib at nakamamatay na sakit kagaya ng stroke, pagtigas ng daluyan ng dugo, pagbabara sa mga ugat, at atake sa puso.

Dahil sa kagustuhan ng ating kumpanya na mapanatili ang malusog na pangangatawan ng kanilang empleyado, nagsagawa ang ARC kasama ang RED cross Rizal and Quezon city chapter ng iba’t ibang programa tulad ng Fun run at Blood Donation. Noong February 6, 2016, sumali ang ARC sa dalawang magkasabay na fun run sa magkaibang lokasyon: Isa sa Ynarez Center na may 26 na kalahok galing sa Antipolo Plant at ang isa naman ay sa Bonifacio Global Grounds (BGC) na may 5 kalahok mula sa corporate office. Dito makikita natin ang aktibong programa para sa ikabubuti ng ating mga empleyado. “Active body for Active lifestyle” ika nga.

Sa Programang Bloodletting naman na may katagang “Share love: Donate Blood”, Naging aktibo ang kaybiga at ang ating Antipolo plant na mamahagi ng kanilang Dugo para sa mga nangangailangan o maging reserba sa “Blood Bank”. Noong February 4, 2016 at February 13, 2016, dalawang magkaibang araw na pamamahagi ang naganap na kung saan nagkaroon ng matinding “screening” muna bago ang mismong proseso ng pagkuha ng 450cc na dugo. Mayrong 24 na pumasa sa kaybiga at 21 naman sa antipolo. Dito makikita na hindi basta basta ang pagpili at pagkuha dahil sumasailalaim sa matinding proseso at pagsala ng mga aktibong tao na may malusog na pangangatawan upang mamahagi ng kanilang Dugo.

Para sa mga nakapasa sa “screening” at nakapag “donate” ng kanilang dugo, nagbigay naman ng “blood donation card donor” ang Red cross upang magamit kung kailanganin nila o ng kanilang pamilya sa ibang panahon.

Kaya sa mga gustong mag donate ng dugo maari lamang po kayong makipag ugnayan sa Corporate Safety and Health Office o tumawag sa loc 112 para sa schedule ng Blood Donation Activity
Blood Letting Activity with Dr. Luvern Dela Cruz, Nurse Gerry Cagandoc, Mr. Raul Viernes and some Red Cross volunteers, Rizal Chapter
Mr. Daveed Casal- Checker Supervisor, Antipolo Plant

© 2019 ARC Refreshments Corporation. All Rights Reserved. Terms and Conditions.